Hit enter after type your search item

news image


DIKLAP – Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) – September 16, 2020 – 12: 00am

MAY isang ama na nakiusong mag-Saudi noong 80’s. Gusto kasi niyang umasenso ang buhay. Pangarap niyang makaahon sa kahirapan at mapag-aral sa kolehiyo ang mga anak. High faculty graduate siya pero magaling siyang mekaniko ng sasakyan. Tamang-tama na pang-overseas ang talent niya. Iniwan niya ang kanyang mag-iina sa probinsiya. Kaya lang, nakakaisang taon lang siya sa Saudi, susme, nagsumbong ang kanyang panganay na nahuli niyang nanlalaki ang ina. Tuluyan nang nakisama ang kanyang asawa sa kabit nito. Ang kanyang mga anak ay kinupkop ng kanyang mga magulang.

Ipinagpatuloy niya ang buhay sa Saudi. Nakipag-penpal siya sa mga babaing inirerekomenda ng kanyang mga kasamang OFW. Nakakuha muli siya ng bagong asawa. Sa Maynila sila tumira ng kanyang bagong pamilya. Pinadadalhan na lang niya ng sustento ang mga anak sa probinsiya. Dumaan ang maraming taon, nabiyudo siya sa kanyang orig at ikalawang misis. Isang araw ay sumampal na lang sa kanyang mukha ang katotohanang, ang pagpapakahirap niya sa Saudi ay walang ibinunga – walang nakatapos sa pag-aaral sa kanyang mga anak. Ang pinakamasakit, naging pokpok pa ang isa.

Ngayon, matanda na siya. Wala siyang napala sa pagsa-Saudi. Sa sobrang gastadora ng kan­yang ikalawang asawa, hindi siya nakabili ng sariling bahay. Could additionally kanya-kanya nang pamilya ang kanyang mga anak. Nahihiya siyang pumisan sa mga anak dahil  mga padampot-dampot lang ng raket ang mga ito. Minsan, natagpuan niya ang sarili na nakasakay sa barko pauwi sa kanilang probinsiya. Sa bahay ng kanyang ina siya umuwi na 85 years feeble na. Ang mga anak niya sa orig ay hirap din ang buhay kaya malabong sa mga ito siya makituloy.

Isang araw ay also can merely kotseng pumarada sa kanilang bahay. Bumaba ang isang lalaki. Pagka­tapos tanungin ang kanyang pangalan ay mahigpit itong yumakap sa kanya. Ang lalaki ay anak niya sa kanyang first lady friend. Nagpakalayu-layo itong first lady friend matapos malamang nagpakasal sila ng kanyang first wife na sa katotohanan ay pinikot lang naman siya. Nagsinungaling na buntis, hindi naman pala. Hindi na ipinaalam sa kanya ni First Lady friend na nabuntis pala niya ito.

Palabiro at nangsosorpresa minsan  ang tadhana. Kung sino ang anak na hindi niya pinaghirapang buhayin ay siya ngayong nagbibigay sa kanya ng magarbong buhay. Nagbabakasyon siya ngayon sa Singapore kasama ang anak sa labas na hindi sinasadyang napabayaan niya nang matagal na panahon.

Mapagbirong,tadhana

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar
Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :